August Hashtag Challenge: #BuwanNgWikaSaBrainly

Reading Time: 2 minutes

Pwede kang manalo ng premyo bawat linggo ng Agosto!

Kamusta sa inyo ngayong maulan na araw?

Masarap ba at napahihimbing ang tulog niyo at para bang nahihirapan kayong gumising sa umaga upang pumasok sa paaralan?

Muli namin ibinabalik ang buwanang hashtag challenge na una namin ginawa noong Mayo.

Sa bawat buwan may inilalabas kaming hashtag upang magamit ng mga magaaral at mga guro sa Brainly Philippines sa kanilang mga sagot.

Noong Mayo, ginamit natin ang #answerchallenge.

Sumunod na buwan naman ay #JuneChallenge.

At nitong nakaraang buwan ay #ShareYourKnowledge.

Maaring nakikita niyo sa Brainly ang mga hashtag na ito sa dulo o simula ng sagot ng mga masisipag at matatalinong mga Brainly users.

Bakit ba dapat lagyan ng hashtag ang mga sagot sa Brainly Philippines? Simple lang. Ito ay upang makasali sa buwanang palaro kung saan pwede ka manalo ng mga papremyo tulad ng mga gamit, cellphone load, at mga profile ranks.

Anu-ano ang pwede mong mapanalunan ngayong Agosto?

Para sa bawat tamang 20 sagot mula na ipinasa mula Lunes hanggang Linggo, ay pwede kang manalo ng 100-peso cellphone load at karagdagang 500 puntos sa iyong Brainly profile.

Para sa bawat tamang 20 sagot mula na ipinasa mula Lunes hanggang Linggo, ay pwede kang manalo ng 100-peso cellphone load at karagdagang 500 puntos sa iyong Brainly profile.

Hindi lang iyan, sa dulo ng buwan ay pwede kang manalo ulit ng premyo kung makapagbibigay kapa ng higit na mga sagot!

Para sa 150 tamang sagot sa buong buwan ng Agosto, ay pwede kang manalo ng isang T-shirt, karagdagang 1000 puntos at isang special rank sa iyong Brainly profile.

Para sa 200 tamang sagot sa buong buwang ng Agosto, ay pwede kang manalo ng 200-peso cellphone load, karagdagang 1200 puntos at isang special rank sa iyong Brainly profile.

Dahil ngayon ay Buwan Ng Wika sa buong bansa, ating ipagmalaki at gamitin ang ating wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay hindi lamang Tagalog, ito ay binubuo rin ng mga salitang nagmula sa iba’t-ibang rehiyonal na wika mula Luzon hanggang Mindanao. Ito rin ay naging lalong makulay dahil sa impluwensiya mula sa mga hiram na salita mula sa mga Austronesyong mga bansa tulad ng Malaysia at Indonesia, sa India, Espanya, Estados Unidos, Tsina, at iba pa!

Pumili ng mga tanong mula sa sumusunod na mga asignatura at sagutan ang mga ito sa wikang Filipino.

  • Filipino
  • Araling Panlipunan
  • Edukasyo sa Pagpapahalaga
  • Kasaysayan o History
  • Ekonomiks

Ang bawat sagot na iyong isusumite ay dapat na hindi kukulangin ng 50 salita, tama, hindi kinopya kung saanman, at gamitin lang ang hashtag na makikita sa ibaba.

Leave a Reply